tl_mrk_text_ulb/07/11.txt

1 line
441 B
Plaintext

\v 11 Ngunit sinasabi ninyo, 'Kapag sinabi ng isang tao sa kaniyang ama at ina, "Anumang tulong ang matatanggap ninyo mula sa akin ay Corban,"' (ibig sabihin, 'Ibinigay sa Diyos') - \v 12 kung gayon hindi na ninyo siya pinapayagang gumawa ng kahit na ano para sa kaniyang ama at ina. \v 13 Pinapawalang-bisa ninyo ang kautusan ng Diyos dahil sa mga ipinasa ninyong mga kaugalian. At marami pang mga bagay na katulad nito ang ginagawa ninyo."