tl_mrk_text_ulb/06/37.txt

1 line
419 B
Plaintext

\v 37 Ngunit sumagot siya at sinabi sa kanila, "Bigyan ninyo sila ng anumang makakain." Sinabi nila sa kaniya, "Maaari ba kaming pumunta at bumili ng tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang denario at ibigay sa kanila upang kainin?" \v 38 Sinabi niya sa kanila, "Ilang pirasong tinapay ang mayroon kayo? Pumunta kayo at tingnan ninyo." Nang napag-alaman nila, sinabi nila, "Limang pirasong tinapay at dalawang isda."