tl_mrk_text_ulb/06/18.txt

1 line
453 B
Plaintext

\v 18 Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes, "Hindi naaayon sa batas na mapasaiyo ang asawa ng iyong kapatid." \v 19 Ngunit nagkimkim ng galit si Herodias laban sa kaniya at gusto niya itong patayin, ngunit hindi niya magawa, \v 20 sapagkat natatakot si Herodes kay Juan, alam niyang matuwid at banal na tao si Juan, at pinanatili niya itong ligtas. At sa pakikinig nito sa kaniya ay labis siyang nabagabag, subalit siya ay nakinig sa kaniya na may galak.