tl_mrk_text_ulb/06/14.txt

1 line
385 B
Plaintext

\v 14 Nabalitaan ito ni Haring Herodes sapagkat kilalang-kilala na ang pangalan ni Jesus. Sinasabi ng iba, "Si Juan na Tagapagbautismo ay binuhay mula sa mga patay at dahil dito, ang mga kamangha-manghang kapangyarihang ito ang kumikilos sa kaniya." \v 15 Sinasabi ng iba, "Siya si Elias." Sinabi pa ng iba, "Siya ay isang propeta, tulad ng isa sa mga propeta noong sinaunang panahon."