tl_mrk_text_ulb/06/01.txt

1 line
609 B
Plaintext

\v 1 Umalis siya doon at pumunta siya sa kaniyang sariling bayan at sumunod ang kaniyang mga alagad. \v 2 Nang dumating ang Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga. Maraming tao ang nakarinig sa kaniya at namangha sila. Sinabi nila, "Saan niya nakuha ang mga katuruang ito?" "Ano itong karunungan na naibigay sa kaniya?" "Ano itong mga himala na nagagawa niya sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay?". \v 3 "Hindi ba ito ang karpintero, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, Jose, Judas at Simon? Hindi ba't kasama natin ang kaniyang mga kapatid na babae dito?" At sumama ang kanilang loob kay Jesus.