tl_mrk_text_ulb/04/26.txt

1 line
483 B
Plaintext

\v 26 At sinabi niya, "Ang kaharian ng Diyos ay tulad ng isang taong naghasik ng kaniyang binhi sa lupa. \v 27 Sa gabi siya ay natutulog at sa umaga siya ay bumabangon, at ang binhi ay sumisibol at tumutubo, ngunit hindi niya alam kung paano. \v 28 Ang lupa sa sarili niya ay namumunga ng butil: una ang sibol, sunod ang mga tangkay, sunod ang mga hinog na butil sa tangkay. \v 29 At kapag nahinog na ang butil, agad niyang ipinadadala ang panggapas sapagkat dumating na ang anihan."