tl_mrk_text_ulb/04/03.txt

1 line
325 B
Plaintext

\v 3 "Makinig kayo, lumabas ang manghahasik upang maghasik. \v 4 Habang siya ay naghahasik, mayroong mga binhing napunta sa daan at dumating ang mga ibon at inubos ang mga ito. \v 5 Ang ibang mga binhi ay napunta sa mabatong lupa na kung saan ang lupa ay kakaunti lamang. Agad silang tumubo dahil hindi malalim ang lupa nito.