tl_mrk_text_ulb/03/28.txt

1 line
401 B
Plaintext

\v 28 Totoo itong sinasabi ko sa inyo, ang lahat ng mga kasalanan ng mga anak ng tao ay mapapatawad, maging ang lahat ng mga kalapastanganang sinasabi nila, \v 29 ngunit ang sinumang lumalapastangan laban sa Banal na Espiritu ay hindi kailanman magkakaroon ng kapatawaran, ngunit mayroong walang hanggang kasalanan." \v 30 Sinabi ito ni Jesus dahil sinasabi nilang, "Mayroon siyang maruming espiritu."