tl_est_text_ulb/09/23.txt

1 line
635 B
Plaintext

\v 23 Kaya nagpatuloy ang mga Judio sa pagdiriwang ng kanilang nasimulan, paggawa sa kung ano ang isinulat ni Mordecai sa kanila. \v 24 At sa panahong iyon si Haman na anak na lalaki ni Hammedatha na Agageo, ang kaaway ng lahat ng mga Judio, ay nagplano ng laban sa mga Judio para lipulin sila at naghagis siya ng Pur (iyon ay, nagpalabunutan), upang durugin at wasakin sila. \v 25 Ngunit nang dumating iyon sa harapan ng Hari, nagbigay siya ng mga kautusan na ang masamang balak ni Haman na kanyang binuo laban sa mga Judio ay dapat ibalik sa kanyang sariling ulo at siya at ang kanyang mga anak na lalaki ay dapat bitayin sa bitayan.