tl_est_text_ulb/06/10.txt

1 line
505 B
Plaintext

\v 10 Pagkatapos sinabi ng hari kay Haman, "Magmadali ka, kunin mo ang mga balabal at ang kabayo, gaya ng iyong sinabi, at gawin mo iyon kay Mordecai na Judio na nakaupo sa pintuan ng hari. Huwag mong kalimutan ni isa sa mga bagay na iyong sinabi." \v 11 Pagkatapos kinuha ni Haman ang mga balabal at ang kabayo. Binihisan niya si Mordecai at pinasakay sa kabayo patungo sa mga lansangan ng siyudad. Ipinahayag sa unahan niya, "Ganito ang ginagawa ng hari sa taong kinalulugdan at nais niyang parangalan!"