tl_est_text_ulb/05/09.txt

1 line
635 B
Plaintext

\v 9 Si Haman ay lumabas nang araw na iyon na masayang masaya. Ngunit nang makita ni Haman si Mordecai sa pintuan ng hari na hindi tumayo ni hindi manlang nanginig sa takot sa kanyang harapan, napuno siya ng matinding galit laban dito. \v 10 Gayunman, pinigilan niya ang kanyang sarili, nagtimpi siya at umuwi sa kanyang sariling bahay. Pinatawag niya ang kanyang mga kaibigan at tinipon sila, kasama si Zeresh na kanyang asawa. \v 11 Ipinagmalaki ni Haman sa kanila ang karangyaan ng kanyang kayamanan at ang bilang ng kanyang mga anak na lalaki, kung paano siya naging mas mataas sa posisyon kaysa sa opisyal at mga lingkod ng hari.