tl_est_text_ulb/08/10.txt

1 line
767 B
Plaintext

\v 10 Sumulat si Mordecai sa ngalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ito ng panselyong singsing ng hari. Pinadala ang mga sulat sa pamamagitan ng mga tagahatid na nakasakay sa mabibilis na mga kabayo na siyang ginagamit sa paglilingkod sa hari, pinarami mula sa palahiang hayop ng kaharian. \v 11 Pinahintulutan ng hari ang mga Judio na nasa bawat siyudad na magtipun-tipon at lumaban upang protektahan ang kanilang buhay kung sila ay uubusin, papatayin, at lilipulin nang sinuman armadong tao mula sa alinmang lahi o lalawigang gustong sumalakay sa kanila, kasali ang mga bata at mga kababaihan ni nakawin man ang kanilang mga ari-arian. \v 12 Ipapairal ito sa lahat ng lalawigan ni Haring Assuero, sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan, na buwan ng Adar.