tl_est_text_ulb/06/01.txt

1 line
607 B
Plaintext

\c 6 \v 1 Hindi makatulog ang hari ng gabing iyon. Inutusan niya ang kanyang mga lingkod na dalhin ang mga talaan ng mga pangyayari sa kanyang paghahari, at ito ay basahin nang malakas sa harap niya. \v 2 At natagpuang nakatala roon na isinumbong ni Mordecai ang tungkol kina Bigthana at Teres, dalawa sa mga opisyal ng hari na nagbabantay sa pasukan, na siyang sinubukang saktan si Haring Assuero. \v 3 Nagtanong ang hari, "Anong karangalan at pagkilala ang ibinigay kay Mordecai sa ginawang ito?" Pagkatapos sinabi ng kanyang mga kabataang lalaki, na lingkod niya, "Walang anumang iginawad para sa kanya."