tl_est_text_ulb/09/26.txt

1 line
761 B
Plaintext

\v 26 Kaya tinawag nila ang mga araw na ito na Purim, sunod sa pangalan ng Pur. Dahil sa lahat ng bagay na naitala sa liham na ito at lahat ng bagay na kanilang nakita at nangyari sa kanila, \v 27 tinanggap ng mga Judio ang isang bagong kaugalian at tungkulin. Itong kaugalian ay para sa kanilang mga sarili, kanilang mga kaapu-apuhan, at bawat isang sasama sa kanila. Ipagdiriwang nila ang dalawang araw na ito bawat taon. Ipagdiriwang nila sa tiyak na paraan at sa parehong panahon bawat taon. \v 28 Itong mga araw ay ipagdiriwang at tatandaan ng bawat salinlahi, bawat pamilya, bawat lalawigan at bawat siyudad. Itong mga Judio at kanilang mga kaapu-apuhan ay hindi hihinto sa matapat na pagdiriwang ng mga araw na ito ng Purim, upang hindi nila makalimutan.