tl_est_text_ulb/09/01.txt

1 line
635 B
Plaintext

\v 1 Ngayon sa ikalabindalawang buwan, ang buwan ng Adar, sa ikalabintatlong araw, nang ang batas ng hari at ang kautusan ay malapit nang ipatupad, sa araw na ang mga kaaway ng mga Judio ay umaasang makakuha ng kapangyarihan sa ibabaw nila, ito ay nabaliktad. Ang mga Judio ang nakakuha ng kapangyarihan sa ibabaw ng mga galit sa kanila. \v 2 Nagpulong ang mga Judio sa kanilang mga siyudad sa kabuuan ng lahat ng mga lalawigan ni Haring Ahasuerus, upang pagbuhatan ng kamay ang mga sumubok na magdala ng kapahamakan sa kanila. Wala ni isa ang makapanindigan laban sa kanila, dahil ang takot sa kanila ay bumagsak sa lahat ng mga lahi.