tl_est_text_ulb/08/15.txt

1 line
595 B
Plaintext

\v 15 Pagkatapos umalis si Mordecai sa presensya ng hari na nakasuot ng maharlikang damit na bughaw at puti, na may malaking gintong korona at kulay-ubeng balabal ng pinong lino. At sumigaw at nagsaya ang siyudad ng Susa. \v 16 Nagkaroon ng kaliwanagan, kagalakan, kasiyahan, at karangalan ang mga Judio. \v 17 Sa bawat lalawigan at sa bawat siyudad, saanman makarating ang kautusan ng hari, may kagalakan at kasiyahan ang mga Judio, isang pagdiriwang at isang araw ng pangilin. Maraming naging Judio ang nagmula sa ibat-ibang lahi ng mga tao, dahil ang takot ng mga Judio ay bumagsak sa kanila.