tl_est_text_ulb/07/03.txt

1 line
683 B
Plaintext

\v 3 Pagkatapos ay sumagot si Reyna Esther, "Kung nakasumpong ako ng kagandahang loob sa iyong mga mata, hari, at kung ito ay mamarapatin mo, hayaang ibigay sa akin ang aking buhay—ito ang aking kahilingan, at pakiusap ko rin ito para sa aking lahi. \v 4 Dahil kami ay ipinagbili, ako at ang aking lahi, upang wasakin, patayin, at lipulin. Kung kami ay ipinagbili lamang sa pagkaalipin, bilang lalaki at babaing alipin, tatahimik na lang sana ako, sapagkat walang kapighatiang tulad nito na magbigay-katarungan para gagambalain ang hari." \v 5 Pagkatapos sinabi ni Haring Assuero kay Esther na reyna, "Sino siya? Nasaan ang taong pumuno sa kanyang puso na gumawa ng ganyang bagay?"