tl_est_text_ulb/02/19.txt

1 line
571 B
Plaintext

\v 19 Nang tipunin ang mga birhen sa ikalawang pagkakataon, si Mordecai ay naka-upo sa tarangkahan ng Hari. \v 20 Hindi pa sinabi ni Esther ang tungkol sa kanyang mga kamag-anak o kanyang lahi, tulad ng tagubilin ni Mordecai sa kanya. Patuloy niyang sinunod ang payo ni Mordecai tulad ng ginawa niya nang pinapalaki siya nito. \v 21 Sa panahong iyon, habang si Mordecai ay nakaupo sa tarangkahan ng hari, dalawa sa mga opisyal ng hari na sina Bigtan at Teres, na nagbabantay sa daanan ng pintuan, ay nagalit at naghanap ng paraan para gumawa ng masama kay Haring Assuero.