tl_est_text_ulb/02/17.txt

1 line
513 B
Plaintext

\v 17 Higit na minamahal ng hari si Esther sa lahat ng mga babae, nakuha nito ang pabor at kabaitan sa harapan niya, higit sa lahat ng ibang mga birhen, kaya ipinatong niya ang maharlikang korona sa ulo nito at ginawa siyang reyna sa halip na si Vasthi. \v 18 Nagbigay ang hari ng isang malaking handaan para sa lahat ng mga opisyal at mga alipin niya, "Handaan ni Esther," at nagbigay siya ng kaluwagan mula sa pagbubuwis sa mga lalawigan. Nagbigay rin siya ng mga regalo na may pangmaharlikang pagkabukas-palad.