tl_est_text_ulb/02/08.txt

1 line
604 B
Plaintext

\v 8 Nang pinahayag ang utos at batas ng hari, maraming dalaga ang dinala sa palasyo ng Susa. Sila ay inilagay sa ilalim ng pangangalaga ni Hegai. Dinala rin si Esther papuntang palasyo ng hari at inilagay sa ilalim ng pangangalaga ni Hegai, ang siyang tagapangasiwa sa mga dalaga. \v 9 Ang dalaga ay nakapag-bigay lugod sa kanya, at nakuha niya ang pabor nito. Agad niya itong binigyan ng mga pampaganda at bahagi ng pagkain niya. Itinalaga niya sa kanya ang pitong aliping babae mula sa palasyo ng hari, at siya at mga aliping babae ay inilipat niya sa pinakamagandang lugar sa bahay ng mga kababaihan.