tl_est_text_ulb/01/16.txt

1 line
712 B
Plaintext

\v 16 Sinabi ni Memucan sa harap ng hari at ng mga opisyal, "Hindi lang sa Hari nakagawa ng mali si Reyna Vashti, kundi pati na rin sa lahat ng mga opisyal at lahat ng taong nasa loob ng lahat ng lalawigan ni Haring Assuero. \v 17 Dahil ang ginawa ng reyna ay malalaman din ng lahat ng mga kababaihan. Magdudulot ito na bastusin ang kanilang mga asawa. Sasabihin nilang, 'Inutusan ni Haring Assuero si Vashti ang reyna na pumunta sa kanyang harapan, ngunit tinanggihan siya nito.' \v 18 Bago pa matapos ang mismong araw na ito ang mararangal na mga babae ng Persia at Media na narinig ang ginawa ng reyna ay magsasabi ng parehong bagay sa lahat ng mga opisyal ng hari. Magkakaroon ng matinding paghamak at galit.