tl_est_text_ulb/08/15.txt

1 line
585 B
Plaintext

\v 15 Pagkatapos umalis si Mordecai sa presensya ng hari na nakasuot ng maharlikang damit na bughaw at puti, na may malaking gintong korona at kulay-ubeng balabal ng pinong lino. At sumigaw at nagsaya ang siyudad ng Susa. \v 16 Nagkaroon ng liwanag, galak, saya, at karangalan ang mga Judio. \v 17 Sa bawat lalawigan at sa bawat bayan, saanman makarating ang kautusan ng hari, nagagalak at may lubos na kasiyahan ang mga Judio, isang pagdiriwang at isang araw ng pista. Maraming mga tao galing sa ibat ibang mga lahi ang naging Judio, dahil sa takot na magalit sa kanila ang mga Judio.