tl_est_text_ulb/08/05.txt

1 line
571 B
Plaintext

\v 5 Sinabi niya, "Kung mamarapatin ng hari, at kung nakatanggap ako ng kagandahang-loob sa iyong paningin, kung karapat-dapat ito sa harap ng hari, at ako ay kalugud-lugod sa iyong mga mata, hayaang isang kautusan ang maisulat upang mapawalang-bisa ang mga batas na naisulat ni Haman na anak ni Hammedatha na Agageo, ang mga sulat na kanyang sinulat para wasakin ang mga Judio na nasa lahat ng mga lalawigan ng hari. \v 6 Sapagkat paano ko kakayaning tingnan ang kapahamakang mangyayari sa aking lahi? Paano ko matitiis na panoorin ang pagkaubos ng aking mga kamag-anak?