tl_est_text_ulb/09/20.txt

1 line
633 B
Plaintext

\v 20 Itinala ni Mordecai ang mga bagay na ito at nagpadala ng mga liham sa lahat ng mga Judio na nasa lahat ng mga lalawigan ni Haring Ahasueros, kapwa malapit at malayo, \v 21 pinipilit silang tandaan ang ikalabing-apat at ikalabinlimang araw ng Adar bawat taon. \v 22 Ito ang mga araw na nakakuha ng kaginhawaan ang mga Judio mula sa kanilang mga kaaway, at ang panahon kung kailan ang kanilang pighati ay napalitan ng kagalakan, at mula sa pagluluksa naging isang araw ng pangilin. Gagawin nila ang mga iyon na araw ng kapistahan at pagsasaya, at ng pagpapadala ng mga regalong pagkain sa isa't-isa at mga regalo para sa mahirap.