tl_est_text_ulb/08/07.txt

1 line
465 B
Plaintext

\v 7 Sinabi ni Haring Assuero kina Esther at Mordecai na Judio, "Tingnan ninyo, ibinigay ko kay Esther ang bahay ni Haman, at binitay nila si Haman sa bitayan, dahil sasalakayin niya ang mga Judio. \v 8 Sumulat ka ng iba pang kautusan para sa mga Judio sa pangalan ng hari, at selyuhan ito sa pamamagitan ng singsing ng hari. Sapagkat ang kautusang naisulat na sa pangalan ng hari at naselyuhan sa pamamagitan ng singsing ng hari ay hindi maaaring mapawalang-bisa."