tl_est_text_ulb/05/01.txt

1 line
509 B
Plaintext

\v 1 Makalipas ng tatlong araw, isinuot ni Esther ang kanyang damit pangreyna at nagtungo upang tumayo sa panloob na patyo ng palasyo ng hari, sa tapat ng bahay ng hari. Nakaupo ang hari sa kanyang trono sa loob ng palasyo, paharap sa pasukan ng maharlikang tahanan. \v 2 Nang makita ng hari si Reyna Esther na nakatayo sa patyo, nakasumpong ito ng pabor sa kanyang paningin. Itinuro niya sa kanya ang kanyang gintong setro na nasa kanyang kamay. Kaya lumapit at hinawakan ni Esther ang dulo ng kanyang setro.