\v 6 Sinabi ni Esther, "Ang taong napopoot, ang kaaway na iyon, ay itong masamang si Haman!" Pagkatapos lubhang nasindak si Haman sa harap ng Hari at ng reyna. \v 7 Tumayo ang hari sa matinding galit mula sa pag-inom ng alak sa kapistahan at pumunta sa hardin ng palasyo, ngunit naiwan si Haman upang magmakaawa para sa kanyang buhay mula kay Reyna Esther. Nakita niya na ang kapahamakan ay pinagpapasyahan na ng hari laban sa kanya.