tl_est_text_ulb/01/13.txt

1 line
569 B
Plaintext
Raw Normal View History

\v 13 Kaya sumangguni ang hari sa mga lalaking kilalang matalino, na nakakaintindi sa mga panahon (dahil ito ang pamamaraan ng hari sa lahat ng mga bihasa sa batas at paghahatol). \v 14 Ngayon ang mga taong malapit sa kanya ay sina Carshena, Shethar, Admatha, Tarshish, Meres, Marsena at Memucan, pitong prinsipe ng Persia at Media. Kaya nilang lumapit sa hari, at may pinakamataas silang katungkulan sa loob ng kaharian. \v 15 "Alinsunod sa batas, ano ang gagawin kay Reyna Vashti dahil hindi siya sumunod sa utos ni Haring Assuero, na dinala sa kanya ng mga opisyal?"